I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You. You alone are God of all. You alone are worthy Lord. In my heart I pray You'd let Your will be done. And 'til I see You face to face and grace amazing takes me home, I'll trust in You. --- 'Til I see You | Hillsong

Thursday, April 30, 2009

BAHA


"Baha ng España"

Noong April 17, 2009 ata or April i-don't-know, 2009. Binaha ang España dulot ng Bagyong Sjsjdfbf.

Ayan ang ilang litrato na aking nakunan gamit ang aking selepono. Sobrang nakakadiri ang baha. as in kulor DARK BROWN. :/:)) hahaha!! sorry na. maarte ako. OH NO, di ako maarte sapagkat nilusong ko ang baha na iyan! PAKSHET. kasama ko ang aking pinakamamahal na baby na si Diorella Mariel Yuseco Naoe. oha. :>

wala kaming magagawa dahil kelangan namin lumusong. T_T ito ang istorya ng aming WORST UNFORGETTABLE EXPERIENCE.

Una, ako'y nasa bahay palang at hinintay na humupa ang ulan. pasalamat at tumigil na ito dahil makakaalis na ako sa bahay para pumasok sa aking pinakamamahal na unibersidad, UST. medyo maaraw na ng mga panahon na iyon pero ako ay sumakay padin sa taxi baka sakaling umulan ulit. noong ako'y nasa E.Rodriquez na, biglang umulan muli ng sobrang lakas!! at may nagraradio whatever kay Manong TaxiDriver. sabe ng radio, "baha sa Espana, wag na kayo lumusong dun.". at dahil sa pesteng radio enforcer na yan! binaba ako ni Manong sa bandang Q.Ave. at wala akong dalang payong kaya ako ay nabasa. T_T sumakay ako ng jeep dahil ako ay nagbabakasakaling and aking jeep na nasakyan ay may lakas ng loob na lumusong sa baha. ngunit, noong ako'y nasa Bluementrit na, binaba kaming lahat ni Manong JeepneyDriver sapagkat magu U-turn na daw siya pabalik sa kanyang pinagmulan. PUNYEMAS KA JEEP. si Diorella naman ay nasa taxi pa, bumaba siya sa Ministop Bluementrit para ako'y sunduin. Ako'y nasa kabilang ibayo ng Bluementrit at siya ay nasa Ministop kaya kelangan kong tumawid para magkasama na kami. XD tumawid ako sa baha ng Bluementrit. (MATAPANG. STRONG.) hahaha!!

Magkasama na kami sa wakas. yeys! nabasa ang aking sapatos at slacks. T_T okay lang sa akin. hinintay namin humupa ang ulan muli habang kami ay nasa Ministop. kailangan kong pumasok ng araw na iyon kaya hindi ko naisipan na umuwi na dahil mga 2pm palang ng mga oras na iyon at 6pm ang aking uwian. haha!! noong tumigil na ang ulan, sinubukan naming magabang ng Jeep para makapunta sa UST. nakasakay kami, YEEEES! ngunit sumugod kami sa baha na hindi naman gaano malalim. ayun, nasa jeep na kame. YEEY! pero hindi ganun kastrong si Manong JeepneyDriver2, at binaba kami sa baha ng Dela Fuente. wala kaming magawa dahil tubig na talaga ang nakapaligid sa amin, kaya bumaba na kami at naglakad sa baha. :/

Habang kami ay nasa Dela Fuente, pinagiisipan namin kung kami ay maghihintay na bumabaw ang baha or lulusong na tulad ng iba. XD makalipas ang ilang minuto, may mga Pedicab na nagsasakay para makapunta sa kabilang ibayo ng baha. isang masalimuot na pangyayari nanaman ang aming tatahakin sa hapon na iyon. nagpasya kami na sumakay sa Pedicab papunta ng Lacson, Spain. Ang masahol sa ginawa ni Manong PedicabDriver ay dinaan nya ang kanyang dakilang Pedicab sa Espana mismo!! O_O NO NO NO!! nakaupo kami sa sandalan ng upuan ng Pedicab para hindi kami mabasa kung sakaling magwave ang water of Espana River.

Sa wakas, nasa Lacson na kami! Akala namin ay tapos na ang aming pagdurusa, ngunit hangang UST pala ay nanguumapaw ang baha! :)) edi GO GO GO na kami sapagkat wala na kaming marereklamo dahil basa nadin naman kami. sinubukan namin sumugod sa baha sa bandang Second Gate, UST ngunit hindi namin kinaya. hahaha!! dumaan kami sa tulay para makalipat kami sa kabilang side ng UST dahil mas hindi baha dun. nakalipat na kami, YEY!! PERO BAHA PADIN! wala na kaming magagawa kundi sumugod sa baha. ayos naman dahil basa na kami sa bandang ankle. yeees people, ANKLE palang. pero nuong kami ay papalayo na, nasa TUHOD na namin ang baha. T_T sooo sugod padin. GO GO na kami. wala na kaming pake kung amoy canal na ang aming mga paa. :)) minsan kapag nagwawave pa, umaabot pa lalo sa tuhod ang tubig. oha. :> naiimagine mo yun? basta ganun! parang, *WAAAAAAVE* tapos kame ni Rella, "OH NO! AYAN NA. *taas paa* *tip toe* *talon* *sigaw*" hahahahaha!! para lang makaiwas kami sa WAVEEE. ~~~~ wooo. WAVEE ~~~~~. hahaha!! =))

Nasa tapat na kami ng Beato Angelico, UST. YAHEY! at nasa Ministop, Spain na kami (sumugod sa baha muli). kikitain na namin si Darnel Jairus Lim Raymundo -- boyfriend ni Diorella. tapos nung pinuntahan na namin siya sa Ministop, yun pala nasa tulay siya sa bandang KFC, Spain. so pinuntahan namin si Dar dun baka sakaling magkasalubong kami (sugod sa baha muli). PERO, hindi pala. dahil bumalik siya sa Nitz, Spain para salubungin kame. HINDI KAMI NAGKASALUBONG, dahil dumaan siya sa likod ng Espana, sa bandang walang baha. MAUTAK SI DAR, hindi din, MAARTE LANG SIYA. XD hahahaha!! bumalik kami sa Nitz, pero dumaan na kami sa walang baha, mautak na kami. WAHAHA!! =))

Nagkita kita na din kami sa wakas! YEYS! as in basang basa na kami. as in pagkakita sa amin ni Dar, "O_O yaaaks, kadiri. ambaho niyo na". odiba? :> MAARTE SI DAR. period. haha!! makalipas ang ilang minuto, mga 4:30pm na kaya di na namin binalak pumasok dahil baha padin ang Spain at UST. haha!! binalak namin pumunta sa sa Apartment, P.Noval. dumaan kami sa tulay sa KFC, Spain at nagbakasakaling merong tsinelas na mabibili dahil nandidiri na ako sa sapatos ko. si Rella ay may dalang tsinelas. okay, dumaan kami sa P.Campa, Spain dahil walang baha dun. Pero noong malapit na kami sa Apartment, MERONG BAHA! wala na kaming magagawa kundi sumugod kesa magmukhang tanga at hintayin na mawala ang baha ng ilang oras. haha!!

So sumugod na kami, as in kadiri yung tubig sa bandang Apartment, P.Noval. As in CANAL NA CANAL. hindi siya tubig, CANAL SIYA!! CANAL CANAL CANAL! :/:))


"Eto si Darnel habang nagiinarte sa baha papunta sa Apartment."

okay. malapit na matapos ang aking istorya. hahaha!! nasa Apartment na kame, YAHEY! buti nalang hindi nakalock yung gate, kung hindi, nakatambay kami sa Outside, Apartment. nasa Inside, Apartment na kami. YEY! naghugas kami ng paa. nagsabon ng paa. nilabhan ang slacks. nahilamos gamit ang Ponds. yeheees, nageendorse. XD hahaha!! ayon, hinihintay namin sila Kim, Tin at Rap. may dala silang KFC. yeeeees! sa wakas, heaveeeen.

Dumating na sila sa Apartment at sumugod din sila sa baha, pero di msyado. >:) haha!! may KFC. pero Pepsi lang at konting Fun Shots lang kinain ko. XD haha!! di ako gutom.

Masaya padin ang araw ko dahil kasama ko naman si Diorella sa aking paghihirap at nakasama ko ang aking pinakamamahal na mga kaibigan na sila Dar, Kim at Tin (medyo 3letters lang name nila noh? nagtitipid, pulubi sa name. haha!!) at nakasama ko ang pinakamamahal kong Babe na si Raprap. :)

- F I N -

Monday, April 27, 2009

UPDATE

ohkaaay. these past few daysss, i've been spending my time on, err, nothing. a lot of things happened. like there's this one timeeeee (wtf. pautot mo!) hahahaha!! JOKE. :> madaming nangyari sa akin this week.

1. nakita ko na si Tin :3 hahaha!! sobraaang sayaa kasi nakita ko na siya at nakasamaaa. kaso kaso, mahiyain siya. err. pero nawawala na din. hahaha!! kasi nangaasar nadin siya eh. /gg :> ako, mejo makapal na mukha ko. pake mo, ganun ako eh.

2. my birthday surprise nung april 20. :D err, SURPRISE ba un? :)) nagbigay ng brownies sila Tin at Kim. (SALAMAAAT. me labs you two. :x) perstaym ko nakita si Tin nun. /e8 yaheeey!

3. nakita ko na si Babe ko. :3 wala lang. pake mo. ganun siya. si Ralph Oliver Peralta Saniatan siya. WOAH. complete name. /gg nakita ko siya nung April 21, kasi kakadating palang niya dito sa Manila nuon kasi kasi, i'll tell you the FUNNY story. :> kasi nung april 19 dapat uuwi na siya, pero 9pm siya umalis sa bahay nila tapos andaming tao din na naghihintay sa bus, hangang 1am siya dun at wala siyang naabutan. :)) nung april 20 naman, pumunta siya sa abangan ng bus ng 7am hangang 10am kaso wala padin. (aww. :( poor boy) kaya nagpareserve ang kanyang mamy ng bus :> gabi na siya umuwi nung araw na iyon kaya umaga na siya nakadating dito sa Manila at april 21 na yon. OHA! :> madaming pinagdaanan para lang makaluwas sa siyudad. :)) he's fun. me labs babe ko so mats :x lagi ko daw siya nibubully. >:) hindi ah! =)))) lab naman kita eh. :3

4. i had this super megawonderful overexciting adventure with my Baby. :"> LUMUSONG KAMI SA BAHA! shet. :/:)) super baha nuon sa Espana, at lumusong kami kasi kelangan namin pumasok sa klase namin. kaso wala pala kaming klase. wahahahahaha! =)))) as in hangang tuhod namin ung baha. tapos tapos sumakay kami sa pedicab tapos nakaupo kami sa sandalan ng upuan. =)) shet. as in ang sakit sa likod at nakakahiya kasi sa Espana dumaan ang pedicab. :)) tapos lumusong kami sa baha ng Espana ng UST. minsan pa, may dadaan na bus kaya magkakaroon ng wave. OHA :> beach na beach ang dating. haha!! worst unforgettable experience. pero masaya :D kasi kasama ko naman si Baby :"> hihihihihi

5. dumagdag ang mga what if's ko. :/:)) shet.

6. ibibigay ata sa akin ang sasakyan muli. /e8 MWHAHAHA! SANA.

7. madami akong what if's na hindi MO malalaman. :))

* err. wala na ako maisip. hahaha!! kwento ako next time :*


Saturday, April 18, 2009

BANAT

"pero dahil mkikita ko na si yellow power ranger :) solb na."

A line that i got from an unknown site. JOKE! =)) HAHAHA! bat ba. unknownsite.blogspot.com
--- site nya :)) JOOOKE! hindi niya site yan. sana walang may blogspot na ganyan. /wah sorry kung meron man. :))

Ito ay mga pasimpleng banat na ginagawa ng mga nilalang sa mundong ito :)) joke! =)) bat ba. kinikilig ako? of course not. bat naman diba? =)) sorry na? woo! solb kana. SEE lang ha? tandaan mo yan hoy! :> LET'S JUST SEE EACH OTHER. >:)

"Im excited to see you :) lam mu na :>"

owyeeaaah. :> isang halimbawa ng simpleng banat. /gg :))))) mas maayos ka bumanat kapag d mo sinasadya. :/:)) sorry na? :)) excited to SEE me. :)))) sige lang. magkikita lang tayo. :> SEE. SEE. SEE.

* sorry na. natuwa ako sa mga simpleng banat eh. hohoho. ;)) /brr. hihihihi.

COMPUTER

Gagayahin ko ang blog ni Diorella Naoe --- http://diorellaschuchu.blogspot.com/
yung ano "Iwant Iwant part 2" hahahahah!! SORRY NA?! gaya gaya ako eh. XD

Gusto ko ng bagong laptop. weeeh? XD joke lang. masaya na ako sa laptop ko eh. :/:)) tsaka sa PC na iniwan sa akin ng aking dakilang bradah. :> pero gusto ko ng bagong laptop nga. :))

WHITE NA HP kaya?! :))))) joke! gusto ko ng black na Sony Vaio. :>

hindi bulok ang aking laptop people, sorry maarte ako. :D maayos at tumatakbo ng mabilis ang aking laptop. madami din atang free space yun. ATA? 30GB pa ata out of 80GB (ginaya ko si Rella. wahahaha!) tsaka 1.5 Ram nun. diko alam ung mga GHz GHz na yan. bobo ako. sorry na. :)) d ako dual core. ano ako, nakalimutan ko sheT! with the capital T!! =)) ano ata, Celeron M? ayun, oo yan yun! sorry, neverheard. :P hoy! mabilis yung laptop noh! d ka maglalag sa mga games mo. /gg hohoho! :3

ang PC naman namin ang nabubulok na. mejo kinakalawang na ang pag-iisip. nagloloko ang Alt Tab nito. :/:)) sorry. maarte kasi yung chorva nito eh kaya nasira. :)) SOBRANG ARTE. tsaka punong puno na yong space. :/:)) 3-4.somethingGB nalang ang free space niya out of 80GB din. :)) pero di naman nagbabagal. mejo lang. pero masasabi kong mabilis na ito at matino. :)) kaso may virus nadin. ako ang naglagay! :P :))

parang binebenta ko lang yung pc at laptop eh noh? :)) nagkwento lang! nainggit ako kay Jorang eh :(( sorry na. gusto ko padin ng BLACK VAIO. :/:(( pero i'm contented with what i have :3

curently, i'm addicted to 2 computer games. number 1 is Ragnarok. number 2 is Dota. :3 HAHAHA! makulay ang buhaaay, kapag may sinabawang gulay. wala lang.

Ragnarok: kasi kasi. andun si popomaster ayy, popoman pala :3 tsaka madaming friendssss na mababait. /e8 tsaka masaya. :))
Dota: kasi wala lang. nasanay na ako tuwing gabi naglalaro. pero nagstop ako nung naadik ako sa Ragnarok. T_T pero nauulit nanaman ako Dota-ing. :)) i miss FG. :D

COMPUTER STUFFS --- pinaptigil na ako nila Mama at Papa magPC. :/:)) kaso hindi ko matigil. anong trip nila, magPC ako sa labas? no no no! :)) magastos. :> matitigil din ako, i know :3 galit sila sa PC!! LALO NA SA INTERNET! ipapacut daw nila. ansakit sakit! :((((( wala lang. HAHAHA!! drama queen. :>

YM: walalang. isang pc stuff. XD =))
INTERNET: wala lang. mga kung ano ano lang na masusurf mo, go lang! :> wag lang porno. iww. =& NO-NO!! currently addicted to Mafia Wars in Facebook. /e8 hohoho!! :3

ano paba? :> wala na!! goodnight people! :D

KWENTO

WALAAA AKONG MAGAWA, so trip ko ngayon ay ang magbleeeeeg. ;))

ano ang sasabihin ko? weyt. magkwekwento nalang ako ng mga nangyayari sa aking life. :D

Family kwentoooos:

* Nothing to talk about. UH. Still the usual, lagi ako pinapagalitan pero hindi na msyado. Cool na sila sa akin. Tanggap na nila na ang anak nila ay IRREGULAR STUDENT!! (bitter padin. sorry na?) tsaka tsaka, wala lang. di ko sila nakakasama eh. Nasa Isabela kasi sila na nagpapasarap sa bakasyon at ang aking dakialng brother ay nagpapakasarap sa Australia. Ako naman nagpapakasarap sa UST! (studious brad, S-T-U-D-I-O-U-S tawag sa akin.) walang kokontra. Shet kayo.

* Luluwas ata sina Inay at Sistaaah bukas? ATA. sabe ng aking dakilang Sistaaaah --- vacation daw. oha. (IF I KNOW, NAMIMISS LANG NILA AKO.) nako nako.

* Si Itay, pinagdadamot ang nakalaan na sasakyan para sa akin ngayong summer. sana payagan na ako muli after ng aking summer class :D wisssh me luck. XD

* Namimiss ko ang aking bradah. Antagaaaaaaal pa niyang uuwi. sa November pa ata?! anoobayaaan! o.o fast forward please? :/:))

Mhagzzz kwentoooos:

* WALA! wala na akong nahahagilap sa kanila. ang pinakahuli ay nung birthday ko lang, sina Gianne at Dyanie. (MGA INENG, MAGPAKITA NAMAN KAYO!)

* Gianne --- nagmomove on kana ba kay Simplicio este Simple :))))))??? JOKE! congrats sa batt exam mo pala :*

* Chieba --- neng, kamusta ti layp mo ay? XD kayo pa naman ni Daryll eh, sumbong kita sknya. :)) JOOOKE! manlalaki ka lang, masama yan hoy! :P

* Cienna --- neng, agpapudaw ta! XD joke only. paramdam ka gaga!

* Dyanie --- sino ung lalaki na kwinekwento ni Gianne?! hmm. :> HAHAHA!! kwento ka next time. namimiss na kitang kasama. :( namimiss ko yong kasungitan natin sa lahat ng tao. XD

*Reynalyn --- mayeeeers. namimiss kita. HOY, SIRA KA! kung ano ano ginagawa mo sa Multiply! XD =)) kwentuhan tayo kapag online ka ulit. :>

* Danica --- shet you! i hate you Bah! :(( di moko grineet nung berdey ko! AGAIN. twice na yan! GRR. o_-

* feeling ko naman nababasa nila ito noh? :)) hahahaha! pake mo, blog ko ito eh. :P FEELERS AKO EH.

Baby and Lab kwentooos:

* Baby --- hoy! natatawa ako sa mga excitement mo jan! :))))))) epal ka. :)) swimming tayo. pleaaaasee!! :(( wushu, ang sweet sweet nyo ni DARling :))))))) XD mahal na mahal mo ah? AMPPPP. JOOOKE!! =))) hahaha! natatawa ako. I MISS YOU :( haii. ILOVEYOUBABY!! >:D< :* see you always. :">

* Lab --- Laab, kahit di mo ito nababasa, lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita :"> hahaha! :* kamosta kana? irreg na tayoooo! :(( ansakit sakit. pero at least, magaan na ang load ko. XD shet. yun yung point talaga eh noh? XD HAHAHA!! see you sa pasukan at sa Wawawi. LOOOL. joke lang. namimiss ko na kayong kasama ni Mon Bebe :((

Semper Fidelis (walang kwento):

* I miss you SF people SOOOOBRAAA! paramdam kayo. konti nalang nadadama ko sa inyo. :/:(( umayos tayo dyan mga people! yun lang. *bow*

AR 3-4 kwentooos (yeys, 3rd year na):

* Uh. Sana nakasama ako sa outing ng 2-4 or 3-4. o.o :(( sobraaa. kasi ansaya saya. andaming sumama. tapos tapos habang kwinekwento sa akin ni AR, gusto kong sumamaaaa! :((((( kaso d ako papayagan tsaka may klase ako. (REMEMBER: STUDIOUS AKO) kaya ganun. :)))))

* 3-4 na tayoo! :D yaheey! kahit irreg ako, 3-4 padin! :)) shempree. :3 i lab you ol 3-4 pipolation! :)

* madaming nabubuo at nabubuwag na lablayp! wooo. XD:)) sorry na? chismosa ako eh. joooke. :)>- hala, ansama koooo. sorry naa kasee. :/:))

* Goodluck sa upcoming Arkiweek natin! :D (excited much? hahaha!!)

tRO kwentooos:

* wala naman. nageenjoy na ako magWOE ngayon. MEDYOOW palang ha? kasi WEAK ako eh? dba dba? grr :)) :P

* Namimiss ko si Tin sa RO! :( minsan nalang kasi siya pwede magonline eh. grr. :((

* Andaming nagaaway na GM sa tRo. anobayaan! umayos nalang kayo kesa magaway kayo! nagaaway kayo, nagsusumbungan, nagsusumbatan kaso kaso wala naman nangyayari, wala padin nagbabago senyo para tumino! tss. ano kaya yun! walang din silbe. (affected? XD) AKO NALANG ANG GM eh, ANO?! mwahahahaha! =)) oha! whattabrilliantidea! XD:))

*madami nadin nagquiquit sa RO! epal kasi ang GM! ayos tayo jan hoy!

* umaalis din at naiinis ang mga iniinvite ko na maglaro!! WAHAHAHA!! =)) bat ba, alam ko naman na maiinis sila eh. kasi wala silang gamit at pera. XD :)) hahahahaha! masama ako. sorry na? XD

*maganda maghunt ang wiz ko kahit weak siya! :> bat ba, masaya maghunt lalo na kapag quest yung ginagawa ko. pero yung quest hindi para sa akin! :(( hahaha! kapag quest para sa akin, tinatamad ako. :/:)) ugali ko nga naman. XD bat ba! =))

* gusto ko ng dalawang Bris at Hokage. /e8 (nagpaparinig ako hoy!! tamaan ka sana. tamaan, sapuuuuul) XD

* gusto ko ng ano, ng hair band yung nakukuha sa Observation. /e8 kaso ang hirap mahunt eh :(( kasi kasi ambaba ng drop rate. :/:(( err. MADAMOT! hair band ka lang naman! tss.

* panalo ang guild namin lagi. woo! :> wala lang. proud ako. swerte si Rabbit or AKO? =)) KAPAL NG MUKHA KO. :)) :D

* mababait ang prens ko sa RO. /e8 (halatang wala na makwento eh)

* ayan lang muna. madami pa, kaso diko lang maisip or maalala. :P

Summer Class kwentooos:

* Wala wala wala. :/:)) masaya ang summer class. WEH?! tss. wala lang. ang class schedule ko dapat ay Monday-Friday 1-5pm kaso binago ni Prof kasi daw mabubugbog kame sa ganun na schedule. kaya ang panibagong schedule ay, MWF 1-6pm. :D ohaa! :> susyaaleen.

* Si Arch't Sta Maria ang aming adviser sa BT2. :> magaling daw siya. mukha naman eh. tsaka mabait siya. kamukha ni si Arch't Rino Fernandez. :D

* araw araw meron kaming plate na tatapusin at ipapasa. :> owhaa! (STUDIOUS KASI --- pinipilit eh noh? XD)

* UULITIN KO LAHAT NG GINAWA KO NOONG BT2 KO NOONG 2nd YEAR 2nd SEM. ayoooos! i lab et! o_- bitter padin ako kay Sir. Saguindan! tss. ano first name nun?! o.o

FG People kwentooos (GG Clan):

* namimiss ko silang kalaro. :D promise. sila Talownggg(Kuya), Arvineil13(gerl), Remix(Mark) at Jeremy28(Germanyak). HAHAHA!! wala lang. nakakamiss kasi mga yan. masasaya kasi silang kalaro sa GG. puro sila asaran. shempree, ako ang Reyna. :)) JOOOKE! ako ang pinakafeeder sa group. XD

* sila yong mga tao na kapag may nagtrashtalk sa akin, sila ung makikiaway. woo! :D

Sariling Buhay kwentooos:

* dramahan tayoo! :)) joke. d ako EMO. masayahin akong tao. woo! :"> walang meron sa buhay ko ngayon. summer class lang. pero i have a very very happy heart at the moment and wishing it will last for a long time :) yii. :">

* masaya ang bakasyon ko naman. puro school at bahay lang. hindi nga boring eh. GRR. -___-" sarcastic brad. sorry. XD wala akong ginagawa lagi kundi MAG-ARAL ng MAG-ARAL -- hindi sarcastic. >:)

* wala akong magawa. naadik sa RO kakahunt ng kung ano ano churvas. :> masaya magbloooog. promise. XD nakakadaldal kasi ako dito kapag wala akong kausap personally. XD =))))

*masaya ako sa buhay ko ngayon. :D kahit madaming iniisip at problema, masaya ako. :) kasi kase, alam kong ito ang gusto ni God para sa akin.

* i love popoman :3

* i love my new friends /e8 :))

* gusto ko magswimming ngayon. promise. :/:)) i miss swimming and beaching (kahit walang word na ganyan. XD)

* i love to cook. promise. kapag ako tumanda, gusto ko ako taga luto ng pagkain ng pamilya ko. pero hindi katulong ha! TAGALUTO. it's different, mmkay? :>

* i want to have a BEACH HOUSE. i swear. its my dream house. :)

* i love books. i love to read, ALOT. someday, i'll have my own mini library inside my house. :D

* i hate waiting. :)) mainipin akong tao (IMPATIENT!!). XD pero mahilig ako magpahintay. salabahe ako eh :)))))

* kapag nainis ako, masungit ako. kaya minsan lang ako naiinis or nagagalit. :> d pwede. masama ako magsungit. :/:))

* wala nako masabe. boring ng buhay ko! mas masaya pa virtual life ko sa RO. o.o JOOOKE! masaya buhay ko, sobraaaa. :) masaya ako sa blessings na natatanggap ko :D

Babe kwentooos (yeeehees):

* yehees, bumababe :)) XD ayooown. si babe ay isang baboy. joke. isang tao. lalaki ata siya. :> GWAPO! /gg MABAHO. joooke. mabango daw siya. :">

* nakilala ko siya somewhere over the rainbow. XD noooo. sa Ragnarok :> tapos EMO at SNOB pa siya nuon. EMO na EMO. as in. as in feeling mo kahit naglalaro na siya sa WOE or PVP, naglalaslas padin siya sa kaEMOhan nya. :))))) tapos ung sidebangs niya, as in nakatakip na yung buong mukha nya!! tapos ung longback nya, KULOT! OA sa pagkaEMO. ano ba yaaan! tsk tsk. ngunit, dumating ang isang napakagaling na best actress at napakaganda at napakabuting goddess (AKO YUN MGA PEOPLE, FYI. hahaha! pinupuri ung sarili eh noh? sorry na. XD) at tinulungan DAW siya. kaya noong ako'y dumating na, naputol ang kanyang sidebangs sa mukha. nawala ang kulot na longback at tumigil ang paglaslas nya gamit ang mahiwagang cottonbuds. /gg :)))) *tentenentenen* GO GO POWER RANGEEEERSS!!

* sorry na kung lagi kong pinupuri sarili ko. bat ba. kontrabida yan eh. :)) saktong sakto oh!! BIDA ako, KONTRABIDA ka. :"> sweeeet ba? :*

* mahilig siya sa kulor yellow :"> hohohohohohoho!! lalo na yong BRIGHT YELLOW :"> =))))) tsaka yellow ribbon with yellow polka dots. :"> joooke!

* lagi ko siya niaaway :( sorry na babe. lalambing na kita. >:D< * ang kyuuut nya. :3 nakakagigil. pero secret bakit. :)) SOBRANG NAKAKAGIGIL. /brrr. hihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihihi!! i want him to stay that way. i want him to be that way :"> kasi kase, nakakagigil. err. o_O

* i don't know if he's really okaaaaay. o.o pero i can see naman na he's okay na :D (konya people) madami akong iniisip tungkol sa ganyan sa ganito. hahaha! =)) mga what if's ko daw sabi nya. o.o err. sorry na? :*

* mhilig siya sa -og foods. :3 kaya natatae siya lage. :D like hotdOG, itlOG, bulldOG, dOG, uh, err, wala nako maisip na -og foods. :(( T_T

* his favorite past time is, POPO-ing. :3 HAHAHAHAHA!! =)) PAST TIME EH NOH? XD noooo, kasi nafeefeel nya yun. dba? :>

* he loves watching Soul Eater. o.o BADUY. joke. http://souleaterepisodes.com/ --- the link if you want to watch it :D i think its a good anime? anime ba or kartuns? XD whatever. manuod nalang kayo! manunuod ako next time nyan! wag kayo magalala. XD

* WAIT! buhay na nya kwinekwento ko eh. PRIVACY PLEASE! tsss. :/:)) d naman msyado private yan hoy :">

* FEELERS PALA KAME. Diba? :3 hahaha!! Next time hindi na. :>

* LOVE ko siya. As simple as that. :3 kahit di ko pa siya nakakasama personally, wait, uh, nakasama kona pala siya personally pero pero meron siyang *toot*toot* (busy people! Wag nyo ng usisain at halungkatin ang nakabaon na sa lupa. period) ayun. Kahit di ko pa siya nakakasama, laaab ko na siya. :3

* Nakakatuwa siya sobra. :) natutuwa ako sknya kase kase, nakakatawa siya. Halleeeer? Simple logic? XD =))

* Mahilig siya sa shouting music (hardest of all the hardest metal --- genre ng type of songs nya) grabee!! :))

* He is bano bumanat. Ex. This was never the way I planned. san kapa?! Hahaha! As in yong tipo ng banat na d ka matutuwa or kikiligin. Matatawa ka lang or parang “UH. THANKS. :/” hahahaha! =)))) sorry na? buti pako, magaling bumanat! KILEEEG! /brr. Hihihihi

* ADIK SA COMPUTER. PERIOD. LALO NA SA COMPUTER GAMES. /gg hahaha! Joke. Eh kasi, connected naman sa course nila yong computer. Madaya! FINE.

* madami na akong nakwento sknya. Next time ulit. *ABANGAN* hohoho! :3 mas madami pa ngang kwento buhay nya kesa sa sarili kong buhay eh! :/ :))

Conclusion:

I therefore conclude that, wala lang. :)) salamat sa pagbabasa. Madaldal ako. Boring eh. :/ :))

F I N

Tuesday, April 14, 2009

17th (updated)

Yeys, it's my birthday yesterday (Apr.13,'09) woo! and i just turned 17! 17 ohkaaay? not 18!! anyway, wala lang. the usual, walang nagbago sa birthday ko. XD except sa first time akong nisurprise ATA ng mhagzz na hindi pa kumpleto. o.O ang labo ko, sorry :/:))

ayooown. what's new? uh. ano ba? WALA! tumanda lang ako. pero bata padin ako :)) /gg sorry na? XD

THANK YOU:

` sa baby ko na pinakamadaming greetings sa akin from 12am ng Apr.13 to 12am++ ng Apr.14 :> ohaaa!
` kay nuggerlab na mejoooow bulgar ang greetings. sa facebook, comment, bulletin at telephone. XD
` kay babe na nibigyan ako ng flower band, white chocolate, gift box na laging naoopen (LOOOL XD)
` sa aking pamilya at relatives. lalo na yung mga nasa Pio's or Agcaoili :))) salamat sa pagtawag niyong lahaaaat from Isabela.
` kay Tin na mejo nakabroadcast ang greeting sa tRO at sa fireworks nya at sa facebook. :D
` kay Kim naden. :))
` kay Gianne at Dyanie na nagpunta dito sa bahay para sa aking berdey cake :">
` sa aking tRO preeeens :>
` sa mga nagreet na iba na nakaalala ng advance, sakto at belated. :))


mahal ko kayo!! :*

Friday, April 10, 2009

On Probation

On Probation nakoooo! wooo. :> PROUD!! hahaha! ang saya saya ko. NOOOT! (-___-x) grabe, ang hirap maging on prob. kelangan ko ayusin na talaga lahat ng subjects ko. kelangan ko ipasa ang Es1, TOA2 at BT2 bago maalis ang aking pagiging Probationary student (tama ba? hoho). :> tapos tapos, kick out ako sa course kapag bumagsak pa ako one time :(( i can't take the pressure. :/:(( promise, pero i need to be strong para di ako maalis sa Archi talaga. with the help of God, family, bestfriends, friends and chuchu, I CAN DO THIS!! woooo! (?! O_o) grabeee. :/:))

THANK YOU SIR.WARREN FOR YOUR KIND CONSIDERATION. yeeehees, special mention. :> labeet.

OHKAAAY. i really hate this summer thing. :/ nakakainis na. promise. sobrang stress, sobrang nakakasakit sa ulo, sobrang nakakapagooood na talaga. :/:((

namomoblema ako ngayon sa Es1 kasi sunod sunod and pre-requisite nya. kelangan ko siya matapos kung hindi, madedelay ako sa Archi. :/:(( nakakaiyak. so, kelangan ko talaga matake ang ES1 this sem para hangang sa next summer matatapos ko lahat. at magiging regular ako. i wish. GRR. -____-"

next, TOA2 naman. ohmygulaaaay! T_T kase, baka di namin matake ang TOA2 kasi ang mahal ata ng babayadan na pangenroll kase kulang yong nagsign sa petition. :/ and walang professor na makuhaaa! :((

-- diko alam gagawin ko. ayaw ko madelay, pero bata pa naman ako. pero ayaw ko padin. gusto ko matapos ang Archi ng 5years noh!! tsktsk. :/ i lab arki :"> feelers. :))

Tuesday, April 7, 2009

WHEW

HAHAHA!! madrama ako ;)) pake nyo. kaseee, ngayong araw na ito (07April'09) ay isang nakakastress na araaaaw! o.o want to know why? kasee kasee kasee, madaming ginawa. :)) lalo na sa aking pinakamamahal na unibersidad at kurso (sheeet. eye lab yuu boowt!!)
---
andaming trabahong kelangan asikasuhin sa school. lalo na dahil ako aaaaaaaaaay, DEBARRED, proud to be one! shomay. T_T ansakit sakit sa damdamin dahil nangyari yan sa akin. :/:(( meaning, kick out na ako sa UST!! pero dahil perstaym kong bumagsak ng sabay-sabay, pwede pa mapakiusap para ako ay maging ON PROBATION --- meaning bawala na akong bumagsak kahit kelan, bawala ng INC, bawal ang singko(5.00) at bawal ang FA. anything na masasabi mong "BAGSAK AKO!! ayooos!!". HAHAHA!! grabeee, kanina nagsign ako sa mga kakausapin ng Dean or ni Sir.Warren, pang 82nd lang naman, makakahintay pako. perooo perooo peroooo, hangang 25++ lang natapos ang kinausap. :/:)) so meaning, babalik ako bukas para maghintay muli na matawag at mapakiusap na ako'y mabigyan ng chance. :D
---
ang isa pa na aming ginawa ay ang ayusin ang summer class for TOA2, my super peborit subject. (lahat ng subject ko peborit ko eh :"> kapaaaaal. XD) naghanap kame ng professor na magtuturo sa subject at uh, nagsign sign. hahaha!!
---
isa pa, isa pa!! DI KO MATATAKE ANG SUMMER CLASS NG ES1!! WTF, as in, WTFAAAAK!! GRR. kaseee, conflict sa schedule ng BT2, eeee, mas importante ang BT2 talaga eh. :/:)) kaya un ang kukunin ko. then itatake ko next sem ang ES1, then sa summer nanaman ang SM. :/ sheeet. wala nanaman akong summer next summer?! what am i going to do!! (ngayon ko lang narealize yan habang nagtytype ako ng blog!) T_T whatttaaaalife. :/:(( ANONG GAGAWIN KO! :(( gusto ko ng summer next summeeeeer, ayaw kong mabulok sa UST BEATO ANGELICO ng 2years straight!!
---
anywaaaaay, berdey ni sister tomorrow (08April'09). hahaha!! at 14 na ata siya. :> wala lang. feel ko lang sabihin. bat ba! :D

Saturday, April 4, 2009

Palm Sunday

05April'09 is Palm Sunday. :)) and we went to church at around 10:00am and the mass ended at around 11:30am. the message by Pst. Joby Soriano was so goooood. :) ubergood. i really liked it, LOVED it. it was nice that i came. the message was somehow related to me and maybe also for everyone else. it was on how you can fight with the 'real battles' in your life. :) the first time Pst. Joby said the words 'fighting your battles', it really caught me. i thought about all my problems. :/:)) especially my GRADES in school. :)))))
---
The title was uh, "Winning your battles in Life".
---
there were three points that Pst. Joby discussed:
---
1. wRong Battle
- People
2. Real Battle
- Say "NO" to Sin, Saving Soul
3. Right Weapons for Winning
- Faith in God
- His Words
- Prayer
---
- (pt.1) Sometimes you fight for something that isn't really worth it all. For example, you say something bad to someone or you try to insult them or talk to their backs, but do you get anything from it in the end? you don't get any prize or anything that will make you feel any good. the point is, if it is not worth fighting for, stop it!! you shout or get mad at someone, but do you get anything from it? none at all. you can talk to them with peace and love, which is a better and easier way so there is understanding. i admit to myself that i am sometimes like this, i usually or NORMALLY get mad or backstab someone, and now, i'll do my best to prevent myself from doing it. :)
---
- (pt.2) The Real Battle/s are the things that are spiritually related or the things you know that are worth it or you get a prize or something from it which are the battles that are worth fighting for. A real battle is when you focus on the battle you are fighting, you don't get distracted from other things that may stop you from fighting on your battle. You must learn to say "NO" from the things that will distract you to get what you're aiming for, that will lead you on the wrong path. An exmaple from the Bible is 'David and Goliath'. When David knew that there was a prize on whoever can defeat Goliath, he went for it. He fought with Goliath even his brother wanted to distract him. He just walked out and didn't say anything to his brother. He just ignored the things his brother told him because he believed in himself and in God.
---
- (pt.3) Faith in God is like believing that you can fly even you can't because when you put yourself in a plane, you yield with the planes power to fly and you can feel the power to fly. another thing is like when you want to run 100km/hr. but you can't, but if you put yourself in a car and yield on its power, you can run 100km/hr. it's like putting youself in God. putting yourself and life to His, that you have faith in Him. so when you have that faith on Him, you can acquire the power He has, the strenght He has and so on. you just need to put your faith on Him, on whatever you are facing, His presence will always be there. His Words are our strength, our guidance. And prayer is something we can do to talk to Him. to tell Him everything we want to and we all know that He listens.
---
Some verses i really liked:
---
` Ephesians 6:10 Finally, be strong in the Lord and in his mighty power.
` Exodus 14:14 The LORD will fight for you; you need only to be still.
` 1 Samuel 17:47 All those gathered here will know that it is not by sword or spear that the LORD saves; for the battle is the LORD's, and he will give all of you into our hands.

HOW

Paano ako babawi sa aking mga pinakamamahal na magulang? GRR. -_-" nakakainis na ugali kasi meron ako eh. nakakabastos minsan. sabe nila :/ :/ :/ ohakaaay. the best way to make it up is to uh, to, uh, change your attitude. mali, to change MY attitude pala. woo! :>

kaseee ganito yuuun. tatlo ang subject na bagsak ko this sem. ayooos ba? :> (yan ang uso, nakikiuso lang ako. try mo? masaya! sobraaaa. -_-x) nakakahiya kasi gagastos nanaman sila kapag isusummer ko lahat. sabe nga sa akin eh, "akala namin makakabawas na kami sa gastos ngayong summer, yun pala gagastos nanaman dahil bagsak ka." HELLOOOO?! ngayon lang ako bumagsak. (diko sinumbat yan kina inay at itay dahil bastoooos)

nahihiya ako sakanila talaga. : balak ko ako magbabayad ng summer class ko(kaso wala akong pera..) and i'll really do my best not to fail again. i swear!! :((

si papa, sabe sa akin, ayusin ko na daw at wag na ako bumagsak sa mga susunod na sem. si mama, nagalit sa akin talaga. wag na daw ako mag-aral sa ust at magshift nalang ako. NOOOO!! ayaw ko. never never never. nah-uh!! PSSH. ayaaaaaw ko! nooooooooo!! :((:/ i like my course and i want to finish this course. :/:(( i'll really do my beeeest. time to change :> WOO!

GOALS:
` kelangan ko ipasa lahat ng isusummer ko.
` kelangan ko ng tumino.
` kelangan kong WAG NA BUMAGSAK KAHIT KELAN!!
` kelangan kong tapusin ang architecture (PROMISE!!)
` kelangan kong wag na idisappoint ang aking magulang. :"> (sorry mother and father :/)
` ano paba? ewanko. :/:))

Wednesday, April 1, 2009

WhatDaFakk

:/ grr. i hate myself right now. (apr.1,'09 - 9:23pm) oha, para alam nyoo :)) i'll tell you why. i failed 3 subject this semester (BT2, ES1 and TOA2). tanggap ko ung sa ES at TOA. super reasonable naman bakit ako bumagsak talaga, pero ung sa BT2? wtf, ang laboooo nya magpagrade!! (HOY!! PROF KA BA? D KA BA NAGING ESTUDYANTE NUON?)

ES1 --- bagsak ako kasi sa quizzes. don't ask. alam nyo na bakit. :/ :(( (accepted)

TOA2 --- yung LONG QUIZ ko na hindi napasa dahil late DAW. :/ :)) sorry na, bitter padin ako. (accepted)

BT2 --- uh. kasi FA ako? (hoy, unreasonable ka!!) may kilala akong FA na, d mo binagsak!! ayos naman mga grades ko syooo! kumpleto plates ko. yung isa na kilala ko, ayooos na ayooos lahat ng grades, binagsak mo. yung isa, may mga kulang, d mo binagsak. AYOS KA HA! :/ :/(( (unacceptable!!)

* sorry kung bastos ako sa mga prof. ko. :/ nakakainis lang kasi talaga sila : or ako nakakainis kasi tamad ako? pinapasa ko naman lahat noh. :/ :/ grr grr grr. err..