I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You. You alone are God of all. You alone are worthy Lord. In my heart I pray You'd let Your will be done. And 'til I see You face to face and grace amazing takes me home, I'll trust in You. --- 'Til I see You | Hillsong

Monday, January 25, 2010

Zologs

Hihintayin kita kahit napagiiwanan kana ng mundo :)

Wala lang. May mga taong super oldschool. JOKE! Di naman yung tipong, nakahippie jeans padin or nakaneon-colored clothes or kumakain padin ng baguettes. LOL =)) 

Eto yung mga taong tipong masasabe mong, "TAONG NABUHAY SA TYPEWRITER AT PAGER."

Wala lamang. May nakilala akong tao, medyo nalayo siya sa tunay na mundo. Lumaki siya na di kilala ang tunay na mundo. Malamang alam niya ang Ondoy at kung anu-ano pa. Pero yung mundo na merong Dota, HoN, L4D, at iba iba pa, nawawala na siya. Di niya alam ang latest phone. Wala siyang alam sa kung anong uso. Kung anong IN.

Nagegets ko naman siya eh? Nakwento na niya. Isa siyang home-schooled na kid. So anong maiisip mo, malamang, KULONG SA BAHAY. 

Isa siyang ganon, lumaki siyang kulong sa bahay. Akala mo preso. Pero ewanko bakit, siguro conservative lang family niya or what? Ayun nga, kaya medyo maiirita ka sa kanya. Kasi naman, ZOLOGS PO SIYA. 

Alam mo yon, simula ng tumungtong siya sa college, dun siya natuto. Dun lang niya naeexperience kung ano ang buhay na meron kapag teenager kana. Para siyagn 15years old na natutuwa sa achievements niya sa life. Yung tipong, marunong lang siya magYoutube, proud na siya. Zologs po =))

Di ko siya masisisi. Dahil kahit siya, nalulungkot dahil lumaki siyang home-schooled :| Pero ganon eh, anong magagawa niya. Isa lamang siyang paslit na bata na walang magagawa kundi sumunod sa gusto nila Nanay at Tatay. 

Ewanko. Nahilig siya sa mga bagay bagay na talagang may sense. Yung tipong, kunware, big or small responsibilities sa bahay or sa labas ng bahay, gusto niyang gawin. Pero kapag nonsense na tulad ng pagfFB at pagyYM, wala na. Di na siya natutuwa. Zologs po :|:))

Pinipilit kong gumawa siya ng FB, kaso ayaw talaga. Nako, bahala ka sa buhay mo! =)) HAHA! Lowser. Joke lamang :( 

Nakakatuwa siya kase at least gusto niyang matuto, gusto niyang maexperience yung namiss out niya sa mundo :) Gusto niya maging cool kahit minsan pa-cool na siya. Lol. 

Bagay niya maging cool, kaya niya maging cool, kung gugustuhin niya. Di ko sinasabe na lahat ng tao maging cool, di ako cool, aminado ako. Meaning ko lang, yung tipong, may alam siya sa mundo. Yung hindi na mukhang trying hard yung pagiging zologs niya :))

Yung tipong kapag natuwa siya sa isang bagay, di na big deal yon ng sobra. Parang, porket ganito siya sa ganyan, tuwa na siya :| Eh duh, andaming ganon :)) Wala lang.

Ewanko dun. Natuto nga siyang maging independent ngayon college, pero KULONG padin siya sa college niya. Mas maliit pa sa Mapua ang school niya daw :| ANUBA! Tas closed doors pa yung school niya. ANO SIYA ELEMENTARY?! Wtf po talaga :|

Home-schooled na nga; Closed doors college pa :)))))) Wawa po :|

Matututo din yon sa mundo :) Di din siya magiging nakakairita na weird na ugh :)) Pero wag sana sumobra, kasi baka masobrahan sa peer pressure, maging hardcore badboy mama's girl na siya. Parang yung mga nakamotorcycles at leather jacket tas sabay yosi tas may bandana pa at tattoo :)) Eww po yon. 

Anw, ayun nga :) Makakahabol din siya sa naiwanan niyang mundo. Siguro nasa 1990's pa siya, pero hahabol din yan para sa 2010 :) Kaya naman niya e, kaso ayaw niya lang ._. Kasi nakasanayan na niya ang mundo niya ngayon.

Habulin mo lahat, huling huli kana sa mundo.

GO GO GO! Kaya mo yan! :) Naaabot mo naman na eh. Just be yourself, wag mo ipilit na maging tulad ng iba kung di mo kaya :> Wag ka maki-IN kung alam mong di ikaw yon :) Gets mo? Basta yun!

You're with God :) Habang tumatakbo ka at hinahabol mo ang pag-ikot ng mundo, kasama mo Siya, di ka niya iiwan :)

ZOLOGS KA PADIN PO :)) JOKE! =))

No comments:

Post a Comment