Potek yan. Ano bang problema ko :( Wag na wag na kayong sasabay sa akin pauwi, sapagkat subalit, madidisgrasya lamang kayo sa aking kaepalan :(( HUHUHUHU
Ano ba kasing problema ko. Tatanga tanga, bwisit :|
Una, nakabangga ako ng scooter. Acceptable kasi nagsasanay pako magdrive.
Pangalawa, nakabangga ako ng kahoy na may madaming kolor. Ngayon, merong circular shaped yellowish with blackish paint gasgas yung harap ko.
Pangatlo, NAKABANGGA AKO NG VAN :| YES. SARAAAAAAP :| WASAK NA WASAK ANG AKING AUTO :(( Galit na siguro sa akin ang aking Tatay :))
Wait, kukunan ko ng litrato ang wasak :|
I'm back! HAHAHAHA.
Ganito kasi talaga ang nangyari :((
Oh ayan. Susunduin dapat namin si Oleanna sa SPQC, kaso. Traffic sa labas ng bahay. Edi nakafull stop ako habang nakareverse.
Sabe ko kay Mama, wag na namin sunduin kasi ang traffic. Di din makakalabas. Edi sabe niya, sige daw. Wag na. Pasok na uli yung sasakyan. KASO.
Nakalimutan ko ilipat yung Reverse sa Drive. Tatanga tanga. So nung inaalis ko yung brake, nagrereverse yung sasakyan. So akala ko dahil nakaslope pababa yung driveway, narereverse siya.
KAYAAAAAA, naglagay ako ng gas =)) Edi bumilis yung pagreverse =)) Eh late ko na realize, nagbrake ako kaso nabangga na ako :( SAD SAD. Kasama ko pa si Mum sa sasakyan. OMG. HUHUHUHUHU
Mas malala naman wasak ko kesa dun sa van :( Pero aminado naman akong ako may kasalanan :)) Eh ako yung nagtanga tanga na di naglipat ng Reverse to Drive eh.
Tip: NEXT TIME, matutong magtingin muna kung nakaReverse ba or nakaDrive ka. HAHAHA.
Tip2: Sa mga sumasabay diyan, babala. Wala lang. HAHA. Bat ba.
Tip3: Gawin ng last na accident yan ever! PLEASE LANG. Last na :))
Ayun nga. Ano ba naman yan :( Huhu. I know God has a plan :) Huhu.
Goodafternoon :> Papasok nako.
Ipapaayos nalang namin yung sasakyan at van sa insurance chuba chever :)) Kbye.
No comments:
Post a Comment