I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You. You alone are God of all. You alone are worthy Lord. In my heart I pray You'd let Your will be done. And 'til I see You face to face and grace amazing takes me home, I'll trust in You. --- 'Til I see You | Hillsong

Sunday, July 12, 2009

Sakit

May sakit ako ngayon. WTFFFF. May ubo, sipon at lagnat. At nabobored ako kaya ako nagbloblog ngayon.

Ano ba itong sakit ko? Swine Shit? Wag sana, nako nako, mahirap yon. Wala kaming pera pambayad sa hospital. Sana isa lamang itong lagnat at mawawala kinabukasan pagsikat ng araw.

Masama ang pakiramdam ko ngayon pero pinipilit kong gumising. T.T ang weird ko. Eh kasi di ako sanay matulog ng maaga, kaya ayon. Pero masama na talaga pakiramdam ko. -___-

Kamusta ka naman? Sana ay wala kang sakit tulad ko. Pero papasok ako sa skwelahan ko bukas dahil kelangan, mahirap na magabsent at mawalang ng exercises, kasi sayang ang points. Nakakatakot bumagsok noh. :P

Wassap pipol? ._. wala talaga akong magawa pakinsyet. Ayaw ko na. Masakit na ulo ko at lalamunan. Ano ba yan. Kung kelan nagtatake nako ng Vitamin C, dun ako magkakasakit. WTF. Ano ba yon, expired na ba yung iniinom kong Vit.C?

Pero gusto ko padin magblog. Ayy oo nga pala, nakita ko na yung bagong libro ni Kinsella, SYET. Gusto ko bilhin kanina kaso kulang ng 200 pera ko. Pautang naman oh please? :( kasi 700pesoses yun, 500 lang dala ko. ANO BA YAN! Malas.

Tapos balak ko bumili nung isang libro at isa pa at isa pa at isa pa. So bale, apat lahat yung gusto ko, panglima yung kay Kinsella. Kaso napagisip isip ko, may lima pa akong libro na hindi pa nababasa kaya kelangan kong pigilan sarili ko na bumili ng bumili ng libro :( Sayang talaga. Double Malas.

Gusto ko na maglevel 44 sa Luna kaso wala akong transfer scroll. Kahit nga return scroll lang WALA DIN EH. Kelangan ko pa maglakad ng pagkalayo layo para lang marating ang aking kelangan puntahan. Wth.

MASAMA PADIN PAKIRAMDAM KO. Kelangan ko na atang matulog kung hindi baka magkaroon pa ako ng super duper mega lagnat tomorrow. It can't be! T.T

Ayy oo nga pala, Windows7 na OS ng Pc kong inaamag. Cool diba? :> Parang Vista lang siya pero ewanko? Sabe nila, COOLER daw siya. Edi cooler, kfine :)) Basta mas matino na siya sa luma kong OS na super bulok na sinira ang Alt-Tab ko. Wtf. Tapos hangang nasira na lahat lahat :)) Tapos nalagyan ko ng virus itong pc kaya nabulok nadin.

Hmm. Gusto ko ng Playstation! T.T Nagsasawa na ako sa PC. Feeling ko mas matutuwa pa ako sa PS. PS2 or PS3 :D Nawawala na kasi yung PS2 namin, pinamigay ni kuya. WOW. Hahahaha! Mayaman siya msyado para ipamigay yon. Sayang.

Masakit ulo ko, ang labo ng mundo. T.T Err. Tsaka laging naninikip ang aking paghinga. Nooo. Andami ko namang sakit. OA ako, pero seryoso lahat yan. :/ Kapag di na ako nakakahinga, sumasakit na ulo ko tapos nahihirapan nako huminga. Oha. Sanayan lang yan, masasanay din ako. Malay mo next time, kaya kong hindi huminga ng 5minutes. Weeeell, talent din yon noh. Wag sayangin ang pagkakataon. :))

Ang laki ng eyebags ko, EWW. Paano maalis yan? May napapanuod ako, yung Garnier Eyechuchuchu Remover? =)) Matry nga minsan, baka gumana sa aking tantalizing eyes ;;)

Gusto ko ng pera. Kaso diko alam kung saan ako kukuha. Ang hirap din magipon. Pero ayos lang, nakakaipon naman ako. Hahaha! =)) Ang labo ko syet.

Gusto ko matutong sumayaw. HAHAHAHAHAHAHAHA!! Bat ba, pake mo! Eh gusto ko magexcel sa aking dancing skills. Alam mo yon, magaling naman ako sumayaw talaga, kelangan ko lang galingan pa. Woo. Feelers ako men.

Wala na, nafeefeel ko na yung "SUPER DUPER MEGA SAKIT". Ano ba ito! Makisabay ka naman sa good mood ko. Mamaya kana makisabay kapag tulog nako. T.T

Gusto ko kumain ng mani? Yung walang balat. =)) HAHAHA! Bat ba, masarap yon eh. Nakakamiss lang magpapak ng ganon. Kaso mga tigyawat ang abot mo kapag yon ang kinain mo, so wag nalang noh! Isa isang piraso araw araw para safe from pimple causing germs.

Laging absent mga professors namin lately, ewanko bakit? Siguro may party yung faculty or may outing sila sa Boracay tapos nastranded sila tapos di na sila makakabalik after 1month. WOOO!

Gusto ko ng gumaling! Ampanget sa pakiramdam ng merong sakit. Kelangan ko pa man din ng super duper 10000000 billion percentages ng energy this week. Kasi kelangan ko matapos final plate, tapos andaming quizzes. Please cooperate with me. Wow, gusto ko lang magenglish talaga kaya nasabe ko yan :))

Nung una gusto ko talaga magkasakit. Naiinggit ako kay Sandra na nagkaroon ng sakit =)) Ang weird ko, kasi gusto ko magabsent tapos matulog nalang forever. Para wala ng stress at pagod at kahit ano pa. Kaso hindi ako nagkakasakit.

Ngayon may sakit nako, YAAAAY. Kaso ayaw ko na. Ampanget sa pakiramdam seryoso. Para akong ewan kasi. Andami kong pinapangarap. Andami kong kinaiinggitan, wala naman kwenta. :))

Anong magandang gawin ngayon? HAHAHA! Ang super random ng mga kwinekwento ko at sinasabe. Sorry na ha?

HOY MAY TRANSFER SCROLL NAKO ULIT =))))) Salamat babe!!

Mahaba na ba itong blog ko? o.o Hmm. Matutulog na siguro ako. Nahihirapan na ako dito. Super not feeling well nako talaga. Like you know, I can't take it anymore. I need to rest na para you know, I have energy for tomorrows activities sa school. Like shet.

Sooooo, kelangan ko pumasok bukas so matutulog nako. Next time na ako magdadaldal. Kasi alam ko nakakairita nako :)) HAHAHAHA!!

GOODNIGHT FELLOW NONSENSE BLOGGERS :D

No comments:

Post a Comment