I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You. You alone are God of all. You alone are worthy Lord. In my heart I pray You'd let Your will be done. And 'til I see You face to face and grace amazing takes me home, I'll trust in You. --- 'Til I see You | Hillsong

Wednesday, January 26, 2011

Traffic rules in the PH

Dahil nga naman nasa Philippines ako, magtatagalog ako. Dahil gusto kong mainis sa Pilipinas. LOLJK. Haha.

Gusto ko magsabe kung bakit nakakainis magdrive at matutong magdrive. Kung bakit, maiinis ka sa pagddrive pag nasa Pilipinas ka lamang.

  1. Napakawalang disiplina ng tao. Lahat ng tao nagiging ganon na dahil wala namang natututo. Pati ako, nahahawa.
  2. Nagaagawan ng lane :| Di na natuto. Nakakapikon. Lagi nalang, pati kotse na pagkaliit liit, gusto dalawang lang ang sakop niya. HUY, hari ka?
  3. Mga bus, kala mo mawawalan ng oras!! Makakita lang ng 1meter na space sa tabi, lilipat na. Tas pag nakitang nagkaspace yung katabing lane, dun nanaman lilipat. HUY ANU BE, walang nangyayari.
  4. Mga motor, kala mo bus :| Kainis. Sasakupin isang lane. Eh pagkakupadkupad pa man din kumilos. Lalo na pag sumisiksik sila sa bawat eskinita na binubuo ng mga kotse pag traffic. Ay, badtrip yun! Kainis.
  5. Lahat nagaagawan sa kakarampot na space :| Basta may space, titigil dun. Parking?! Parking?!
  6. Kahit na 5lanes na ang raod, titigil padin ang mga pampasaherong bus at jeep sa GITNA mismo ng kalsada. Huy, disgrasya, tas kayo magagalit? Utak po.
  7. Minsan akala mo nanonood ka ng F1 pag nasa Hi-way ka. Andaming nagraracing na bus at jeep. Kulang nalang tumaya ka kung sino mananalo.
  8. Lahat ng U-turn slot, sinasakop buong kalsada :| Merong mga harang harang na parang ewan na akala mo kakainin na yung buong daanan. Kaya lalong tumatraffic eh :| Naubos na ang daanan, pero madami pading harang. Wth.
  9. Tuwing gusto mo magswerve or magovertake, tas magfflasher kana diba :| Pag nakita na ng kotse na nasa side na yun na sisingit ka, bigla bigla siyang bibilis. Parang dati masaya siya sa 20kph, pag makikitang sisisngitan, magiging 3000000kph siya :| MADAMOT?! MADAMOT KA?!
  10. Lahat ng sasakyan bumubusina :| HAHA! OO, isa nako dun :)) Hahahaha. Nakakainis tuwing, kakaGO palang ng stop light, bubusina na agad nasa likod mo. Wait lang dba?! Wait lang? Bwelo lang saglit, wait lang kasi, atat mo eh. Kainis hahahaha
  11. Tuwing GO, may tatawid bigla na akala mo walang sasakyan na dumadaan :| Akala mo ansa Luneta Park ka nagmumuni muni atdinadama ang bawat simoy ng hangin na iyong malalanghap. HUY THE, nasa kalsada ka, dumi ang masisinghot mo!! Tsaka tumawid ka pag GO yung pedestrian, hindi yung vehicular. Badtrip alng.
  12. Minsan pwedeng 30minutes yugn byahe mo. Minsan pwedeng 2hours. Same route. Badtrip lang. Haha
  13. Minsan bigla nalang may susulpot na kotse sa harap mo, saya eh. Magic car ba?
  14. Minsan may nakapark kung san san. Sa tabi, dyan dyan. ANOBE! Kaya kami gumawa ng 50reasons why sidewalks are not utilized eh :|
  15. Minsan kahit sa EDSA lang, kunyare sa Cubao part, traffic. Bigla nalang sa Ortigas, wala na. Labo. Pwede namang all the way walang traffic. Kainis haha
  16. Last na to. Tinatamad nako magisip ng mga bagay na nakakainis sa Pinas. Dahil kahit gaano ko pa kinakainisan ang Pilipinas, msyado kong mahal ito para iwan <3 HIHIHI!

    Iba padin ang mga Pilipino kahit anong gawin mo at anong panget dito, iba padin ang mismong mga Pinoy :) Iba padin na andito ka sa Pilipinas. Kasi kahit anong panget meron dito, masasabe mong may MAGANDA padin talaga na maipagmamalaki ang Pinas :> OHA!

Yun lang. Kbow. Hahahaha. Babyeee! Aalis muna ako at maliligo na <3 Hihi.

Have a nice day everyone! Godbless y’all :)

P.S. Nakakainis padin itong layout ng Windows Liver Writer ko :|

No comments:

Post a Comment