I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You. You alone are God of all. You alone are worthy Lord. In my heart I pray You'd let Your will be done. And 'til I see You face to face and grace amazing takes me home, I'll trust in You. --- 'Til I see You | Hillsong

Sunday, April 11, 2010

04112010

Hoy. Wala akong magawa, ikaw meron? Kaya tamad ako magblog eh, kasi wala akong ginagawa = walang makkwento? Haha! Sorry na.

May nagsabe sa akin kagabe habang nagbabasa siya ng blog ko. Bat daw ako bullet form gumawa ng blog? Eh kasi nakakatamad na magtype ng nobela ngayon. Pero, sige, ittry kong magblog ulit ng hindi bullet form. 

Ang maganda sa bullet form, mas madali magkwento. Di ko kelangan paikut ikotin yung sasabihin ko kasi naexplain na agad kapag ganon =))

Wala akong ginawa ngayon. Nanood lang ako ng movies buong magdamag kasi tinatamad ako magtype or kahit ano pa man :))

Nanood ako ng The Little Mermaid: Ariel's Beginning :"> Supeeeeeer cute at madrama :)) Pero nakakatuwa.

Nanood ako ng Hotel for Dogs. Fthat! Napakagandaaaaaa :)) Ang kyut kyut ng movie, sobraaa buh!

Tapos lastly, nanood ako ng Angus, Thongs and Perfect Snogging. Medyo ano siya, parang mga England people buh. Tapos AMPOGI NUNG LALAKI. May bagong crush nanaman ako! Si Aaron Johnson :"> Super pogi and super pogi at super sweet :"> Tapos mukang ewan yung bida. Kaimbyerna buh! :)) 

Anwwww, wala lang. Manonood nanaman ako ng movie ata. Assassination of a Highschool President or Not Another Teen Movie :)) Mamimili palang ako.

Hmm. Ayun nga. Badtrip ako ngayon kasi naiirita na ako sa mga taong nagpapaharvest, plow at tanim sa kanilang mga epalerong FARMVILLE!!!!!!!! Tae, parang may mapapala kayo sa kakafarmville. Nakakainis.

Buti sana kung nagkakagold kayo sa kakaipon dun. Buti sana kung nakakakuha kayo ng tunay na SQUASH CHEVER dyan sa pagtatanim nyo. EH WALA NAMAN! Sorry na, bitterness ako eh. Nakakainis kase. Di naman nakakatuwa yung game? =))

Sorry na sa aking kaepalan sapagkat dapatwat subalit ngunit upang maintindihan niyo na AKO LANG ang naiinis sa Farmville. HAHAHAHAHA!

Ayun lamang. Kthxbow. Andito na ang aking Ina at wala pading katulong. Mahirap ang gawaing bahay. At sobrang init padin sa ating bansa. Grabe :))

Ayun lamang. Bow. Hahahaha! :)

No comments:

Post a Comment