I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You. You alone are God of all. You alone are worthy Lord. In my heart I pray You'd let Your will be done. And 'til I see You face to face and grace amazing takes me home, I'll trust in You. --- 'Til I see You | Hillsong

Friday, April 23, 2010

Mango&Peach Graham Cake

Since umuwi ako dito sa Isabela, nagccrave na ako ng graham cake =)) Ewanko bakit, siguro kasi di siya ganon kasweet kaya gusto ko. 

Anw, I decided to make one last night. It was my first time, and I can say it didn't look that good and di msyado successful. HAHA! Okay lang, first time ko eh =))

Ito ang aking mga gamit and ingredients:



The crackers were too apart from each other, it's the container's fault, not mine >:P Tss =)) Eh kasi naman :| Msyadong malaki yung lalagyan, di siya exact para sa mga cracker ko! KAYA YON! Kitam, yung lalagyan talaga, di ako :P

Tapooos uh :| =)) Di ko nalagay sa refrigerator yung all-purpose cream. Kase excited ako msyado gumawa. Kbye. HAHAHA! Edi shempre, parang tubig na medyo creamy yung nagawa ko :| Kaya di msyado maganda. Parang binubuhusan ko ng gravy yung graham crackers =)) Kaya sorry, palpak.

PERO PERO! NAUBOS YUNG GINAWA KO (tumulong si Mader shempre) :"> Hihi. KASI MASARAP!!! TSSSSS >:P


Ohaaa :)) NAUBOS! SABE SAYO E =)) HAHAHAHAHAHAHA! 

Eto yung layers niya: graham crackers - cream - peaches + mangoes - graham crackers - cream - peaches + mangoes - graham crackers - cream =))))) HAHAHAHAAH! IMBENTO KO LANG KASI KUNG PANO GAWIN, di ako sure talaga sa layering niya :|

Tapooos habang nanonood ako ng CSI sa kwarto ng mga 4pm, biglang sabe ni Mama, 

Mama: Oi gawa ka pa ng isang graham cake! Gamitin mo na lahat nung sobra mong cracker at cream para di sayang. Ibibigay natin as bahay nila Lola.
Sande: Huuuu, nasarapan nanaman kayo sa ginawa ko! :))
Mama: Di ah! Si Papa mo, sabe niya magbigay daw tayo eh.
Sande: Kasi nga masarap gawa ko!
Mama: Mapagttyagaan. Siguro kasi gutom kami kaya namin naubos :))
Sande: Huuu excuses :))

At dahil natuto na ako sa aking pagkakamali kagabe. Gumamit kami ng mas maliit ng lalagyan, mas creamy na all-purpose cream(kasi nailagay ko na refrigerator), at mas maganda na ang kinalabasan =)) 

Ang layers ng aking pangalawang graham cake --> graham cracker - cream - mangoes - graham crackers - cream - mangoes - graham crackers - peaches - cream - crushed graham crackers :)))))) OHA, tinuruan na kasi ako ng pinsan ko paano yung tamang paglalayer daw! 

AKO NA TALAGA EXPERT! Mwahahahahaha! Nakakatuwa kaya gumawa :> Kesa nakatambay lang ako sa kwarto ko na nanunuod ng CSI, edi I'll just make myself productive this summer. HAHA!

Ito yung next na nagawa ko, kasama ko pala si Mama na gumagawa nito :D


Hihi. Mas matino talaga yan kesa dun sa una kong ginawa. Promise buh =)) At sobrang ayos talaga nung ginawa ko yan. 

Kasi first of all, saktong sakto yung mga crackers. 
Next, malapot na yung cream. 
Next, mas maayos ns slice ng mangoes at mas madami na. 
Lastly, matino na yung nasa taas, may fruits at crushed grahams na :)) 

Sooo, nagets nyo ba ang aking mga sinabe? :)) Feeling ko kase, ang labo ko magexplain nanaman eh @_@ HAHA! Sorry na buh. Pero natuwa ako kasi nakagawa ako ng ganyan kahit alam kong sobrang simple lang gawin =))

Enjoy ;)

No comments:

Post a Comment