Hmm. So eto na. Tetenenentenen! :)) Wala lang.
Sabe ko magkkwento ako tungkol sa nangyari sa aking kaarawan. Kaya eto na Yey. Ansipag ko :|
Sa next blog ko, ikkwento ko naman yung mga nagreet sa akin chuchu, pictures and more kwento :)
Ikkwento ko muna yung happenings nung day mismo.
April 13, 2010 | Tuesday
Nagising ako sa tawag ng aking Tatay, mga 8am ata. Para batiin ako ng Maligayang Kaarawan. Hihi. Tas ayun, nagtanong siya kung anong gagawin ko sa aking berdey. Sabe ko, wala kasi ayaw ko gumastos. Hahaha!
Nagising ako ulit sa boses ng aking Ina na sumisigaw sa akin dahil hapon na daw at kelangan na daw namin maglunch. HAHA! Alarm clock buh? Joke.
So ayun, bumaba ako ng mga 1pm siguro at kumain ng inihandang hapunan ng aking Ina –> Nagpadeliver siya ng pagkain sa labas =)) HAHAHA! Masipag talaga si Nanay!
Kumain kami, at kelangan may noodles. You know, Chinese tradition, at dahil Intsik kami, kelangan namin yon. Pampahabaaaaaaaaa ng buhay.
May cake din na binili si Mama. Para daw may remembrance ako na naging 18 na ako :| Kasi since naging teenager (or since naging 14) ako, wala nakong cake kasi di na talaga uso sa aking vocabulary ang BIRTHDAY PARTY :)) Para tipid, shempre, kung magpaparty pa ako, duh. Ang gastos nun! Sayang lang. Masaya na akong kapiling ang aking minamahal na pamilya sa aking kaarawan at may konting handaan para sa aking birthday.
Anwww, may cake ako. CHOCOLATE CAKE! Yey :D Tapos merong nakasulat sa taas shempre, at numerical na candles (1 at 8, malamang).
(Sa next blog yung mga pictures kasi di ko pa malipat lipat ang mga litratos nung 18candles, 18treasures, at 18roses, you know. JOKE! Yung mga pictures lang nung cake, chuchu)
Tapooos, edi nagblow din ako ng kendel. May wine padin, shempre :)) Tapos picture picture with Mum and Olengs.
Sande: Bat cake at wine lang nakalagay sa table?
Mama: YAN LANG KASI HANDA MO! HAHAHAHAHAHAHAHA =)))
Oleng: HAHAHAHA oo nga naman sis! :)) Yan lang kasi!
Mama: HAHAHAHAHAH :))
Tapooos, nagregalo sa akin si Mama ng sikret :”> Basta masaya ako =))
Tapos etong kapatid ko, gusto ako regaluhan!
Oleng: Oi Achie! Anong gusto mo? Spongebob o Patrick?
Sande: Patrick!
Oleng: Sge! Maaa! Bilin na natin yung stuff toy, gusto daw ni Achie! Para sa akin din mapupunta kapag nabili na. HAHAHA!
Sande: Wag nalang!
Oleng: Yung cake mo nga dapat merong pangalan ko eh! =)) “Happy Birthday, Cassandra and Oleanna. Love, Mama, Papa and Kuya” Kaso ayaw ni Mama!
Mama: SHEMPRE! 18 nga si Achie mo! Tas bigla andon ka! Wag na ah! Si Achie mo lang HAHAHA!
Sande: Bat ka kasi eepal! =))
Oleng: Shempre birthday ko din!
Mama: Di ka naman 18! Haha!
Oleng: ISS! =))
Sande: HAHAHAHA feeler! =))
---
Tapos uhm, lalabas ako with friends kasi you know. KELANGAN KO DAW MANLIBRE, sabe nila Tatay. Kahit konti lang daw. Edi yon, sobrang konti kami, ANIM. HAHA! Para tipid, di magastos sa libre :))
Una, nagppc ako, sabe ko 3pm. Kaso 3pm na, di pako naliligo kasi NAKAKATAMAD LUMABAS! Tapos, nagsabay kami ni Tope papunta sa Megamoles.
Nagkakilala si Nanay at si Tope. Nagkwentuhan sila, you know. Para silang magkavibes buh =)) Tapos saglit na kwentuhan, tapos umalis din kame.
Nagtaxi kami papunta sa GMA-Kamuning MRT station. NagMRT papunta Ortigas. TAPOOOOS!!
Nakasabay namin si Rella sa MRT! HAHAHA! Cool noh. Nasa kabila room(?), train(?), basta yun! Yung mga kwarto sa train! Nandon siya, tas bigla siyang sumilip =)) Hihi. Tapos nung nagstop sa may Santolan, lumapit siya sa amin :”> Para magkakasama na kami. DESTINY! :”>
Edi nasa Megamole na kami, kikitain na namin si Sandra Bulok, nasa Toy Kingdom siya. Nagstay kami dun siguro ng mga 15mins++, tapos nagtitingin kami ng mga stuff toys :”> Ang cucute nung mga monkeeeey <3 Hihi.
Nagtingin din kame ng mga Barbie chever =)) Basta yun!
Tapos, lumabas kami. May nakita kaming uhh, yung nagbebenta ng mga coffee buns =)) Kopi Mum(?) ata yung store, tas bumili kami :D Yey! Kaso di ko naubos kasi di ako mahilig sa tinapay :))
After nun, nagpunta kami sa Powerbooks kasi i love books :”> Nagstay kami dun ng mga 30mins++ siguro? Nagbasa kami ng Philippine Ghost Stories, kahit sobrang CORNY at CORNY na nung mga kwento. NapakaOA kasi :| Halatang gawa gawa nalang yung mga kwento. Nakakairitates. Tas dati yung mga unang books, nakakatakot talaga eh. Ngayon eh,
“DUH, KATAKOT HA? WEH? :|”. Ganon nalang reaction mo. Haha!
Tapos after nun, nagdecide na kami lumabas sa bookstore :( Ahuhu.
Sabe ko kela Rella, di na pupunta sila Paolo at Glenndaguls. Kasi wala lang. HAHA! Trip ko lang.
Edi naglakad lakad na kami. Tinaguan namin sila Sandra at Tope =))))))) Hahahahaha! Wala lang. Tas nung nagtatago kami, nawala sila bigla :| Tapos di na namin sila mahanap hanap.
Rella: Hala! Baka sila na nagtatago ngayon! Tapos tumatawa sila sa likod natin kasi di natin sila makita! *lingon sa likod >_>*
Sande: *lingon <_<* Hala oo nga! Tss. Asan silaaaa! *tingin sa side >_>*
HAHAHAHA! Weird, yun pala, pumunta sila sa baba :| Tas kami ni Rella, balak pumunta sa taas :)) Edi sana lalo kaming nawala diba =)) Kaya nagkita kita kame sa M&S.
Si Paolo, papansin. Lalo na si Glennda.
(Di exact yung words)
Glenn: (text) Di nako makakapunta. Nasa bahay ako.
Paolo: (text) Papunta na kami dyan!
Sande: (text) Kayo? Kala ko wala si Glenn?
Paolo: (text) Ayy mali! Papunta na AKO dapat dyan yun.
Sande: (text) Ahh! K. Haha.
Paolo: (text) San NAMIN kayo pupuntahan?
KBYE. Tss :| Magsisinungaling, pero nahuhuli sa text =)) Lols. Tas tas kase lagi kaming naglalakad nila Rella nun, kaya wala kaming exact spot na sasabihin kela Pao.
(Di exact yung words)
Sande: (text) Nasa Powerbooks!
Paolo: (text) Sige papunta na kami dyan.
Sande: (text) Wala na pala kami dun!
Paolo: (text) Magstop lang kayo at pupuntahan namin kayo plis!
Paolo: (text) Wag na kayo gumalaw utang na loob!
Paolo: (call) ASAN KAYOOO
Sande: (call) Crocs!
Paolo: (call) Wala naman kayo dun!
Sande: (call) ANDUN KAYA!
Rella: Tokyo tokyo sabihin mo!
Sande: (call) Tokyo tokyo!
Sandra/Tope: AYUN SILAAA OH!
Tapos ayun na. Nagkita kita na kami. Kasi napakaewan naman nila! Sila dapat ang sisihin! Napakalate dumating. Tas nawawala pa sila, tas nagiinarte pa silang di na pupunta yung isa. Napakaaaaa! Haynako. Chos! =)) Natuwa lang ako sa part na yon. Sorry na!
Edi ayon, nagtatanong ako ng kakainan, kasi nga wala akong alam. Tas sana sa eat all you can kami kakain, kaso narealize NILA at AKO, na di din masusulit ang bayad kapag dun. Itatae din namin lahat yon, sayang lang. Edi sa Max’s kami nagkaen :D
Buti merong set set dun, at nakatipid ako. Masarap na ang nakalagay na set dun, at nabusog ako. Pati sila ata? Okay na yun, basta nabusog ako!
Si Glennda, sobrang daming kinain! Kala mo sampu yung bituka niya sa kinain niya. Chos, OA lang ako. Kasi naman, wala na nga siyang ulan, pilit padin niyang kinakain yung kanin niya! Kahit gravy nalang ang kanyang ulam :| Tapos, nakadalawang buko pandan siya! =)) Tapos, balak niya pa magpabalot ng buto buto nung chicken(para sa aso niya shempre, alangan naman sknya :)))
Tapos nagtatawanan kami nila Rella at Sandra :)) Kasi naman, yung dalawang yun =)) Puro kalokohan ang alam. Buti nalang napakatino kong tao. (Nagmamalinis lang ako) Si Rella kasi!
Rella: Kami ni sandra, Lab ang tawagan! Tayo naman, Destiny, Eternity, pwede ding Immortal =))))
POTEK TAWANG TAWA AKO EH =)))))))))) Sorry na!
Sande: Kapag Immortal tawagan niyo, “I love you, my immortal”.
Rella: Tapos My Immortal yung theme song nila!
Sandra: Kahit wala ng konek eh =))
Sande: Pano kapag destiny!
Rella: Baby you’re my destiny~
Sandra: HAHAHAHAHAHAHA =))
Tapos si Sandra may kwento siya, yung sa Canasten(?) na commercial, yung ointment para sa buni hadhad at alipunga. Kasi may sign kami para sa “berneyks”, tapos sa commercial daw, parehas na parehas yung sign. (Sorry na sa di makakagets, kasi natawa ako super buh! :)))))))) Tsaka puro kalokohan yon, kaya di ko maiwasan na tumawa kasama yun =)) Brotticelli sistahz from England, France, Spain, Britain and a lot more =)) Chanel buh! )( $ =)))))))))))) Joke lang :))
Si Paolo naman, feel na feel magpapicture. Kala mo baklang tinubuan ng baklang katawan eh :| Potek yan. Natural sa itsura at sa posing =)) Ang lalandi pa nung pics niya. Kala mo pictorial talaga. RAKOWN POEZ!
Si Tope, super dami sa extra rice. Kala mo di kumain ng dalawang araw. Siya din may kasalanan bakit madaming kanin si Glennda =)) Nagorder siya ng extra rice, kahit meron pang 3/4 ng rice sa plate ni Glennda =))
Umuwi nadin kami after. Sila Sandra at Tope, sabay umuwi sa may FX station somewhere over the rainbow.
Kami nila Rella, Glenda, at Paola ay dapat magm-MRT, kaso ANDAMING PIPOL. And you know, nastuck daw yung train sa may Shaw chuchu kaya nastuck din yung pipol dun. HAHA! Boo!
Sooo, nagdecide kaming magbus nalang. Magkaibang bus nisakyan namin nila Glenn at Rella :( Kasi sa may bandang SM North sila bababa, eh ako, sa may Kamuning EDSA lamang. Hinatid ako ni Pao. Tas si Glennda, kasabay si Rella. Ayii. CHOS. Nauna kaming sumakay ni Pao sa bus.
KASOOOO BEDTREP, PUNO ANG BUS, kelangan namin tumayo =)) Brr. Okay lang. Haha! Tapos nung medyo malapit na, nakaupo din kami at nakabayad ng fare. Eh kupal si manong tagakuha ng pamasahe, SUPER BAGAL MAKIPAGCHISMISAN SA LIKOD! Kala mo gurlaloo sa bagal. Joke. (Ansama ko, puro ako reklamo =)))
Edi bumaba na kami. Si Pao, takot tumawid! Parang bakla buh =)) HAHAHAHAHA! Di naman siya masasagasahan, takot pa. Sapakan o!
Tapos nagjeep kami papunta sa kanto namin. Tapos hinantay ko muna siya makasakay ng taxi bago ako papasok. Baka ma-rape siya or what eh. JOKE! Basta yun. May binigay siyang regalo. Triple chever chocolate chever brownies. SOBRANG CHOCOLATE BUH. Pero super thanks din :))
Tapos antagal niya magpara ng taxi! Ang arte kasi, choosy! Kelangan may light daw sa harap. Kelangan maganda o bago yung car. EDI BUMILI SIYA NG SARILI NIYANG TAXI PARA DI SIYA CHOOSY! DUH =))
Tapos may pinagtripan akong kotse.
Sande: *para sa kotse*
Mamang driver ng kotse: Hoy kotse ito!
DUH! Malamang kotse yun. Alangan naman sabihin niya, “Hoy truck ito”. Obvious naman kase. Halos lahat ng taxi, KOTSE. Vovo ba niya =))
Sa sobrang tagal niya magpara, natatae ako bigla =)) HAHAHAHAHA! Kasi naman, prinepress ko pala yung box ng brownies sa tiyan ko. Kaya malamang, sasakit tiyan ko :))
Tapos uhh, may nagstop na taxi :| SUPER SKERI! Sumisit sit siya kay Pao. Eww. Tapos basta nakakatakot :| Dumaan pa siya sa harap namin, tapos umikot nanaman tapos nagpark sa dating place kung saan sya nakapark :| PINAGPAPAWISAN NGA SI PAO E =)) Kunware natatakot siya, pero deep inside, natatae na yon ng bonggang bongga!
Nasa labas lang siya, nasa tapat na tindahan. Umiinom ng extra joss or cobra :))))) Joke! Basta yun. Skeri, buti nalang may security guard dun sa amin, pinakahintay ko muna kasi skeri talaga :))
Edi nakasakay na si Pao ng taxi, tas ako pumasok na sa bahay.
Pagpasok ko, merong flowers sa vase =)) Anlakeeee. Ang nasa isip ko talaga, “Ito talagang sila Mama oh, nagabala pang bumili ng bulaklak para sa akin!” Pero mali =)) Sabe ng kapatid ko,
Oleng: Oi tumawag si Sandra! Para sayo daw yan! Ilagay ko daw sa kama mo, kaso sabe ni Mama, mukang mas maganda daw dyan sa vase na malaki. Kaya yan! HAHAHAHA!
Odiba, kesa sa kama nakalagay ang bulaklak, nasa vase siya na super big =))
Kinuha ko, kaso walang card or something. So iniisip ko kung sino. Tinawagan ko si Sandra. Nagiinarte pa siyang wala syang alam, sapakin ko yun eh! Eh halatang halata naman sa boses niya at sinabe na sa akin ng aking sistah.
And blahblah, umamin din si Paolo kasi sabe ko itatapon ko yung flowers kasi diko kilala nagbigay. Edi umamin siya =))
Una, iniwan ko sa table. NagPC ako. Kausap ko pinsan ko sa phone kasi tinawagan niya ako. Tapos nagRO ako saglit. Tapos nagchat. NagFB. Tapos ni-ref na yung brownies.
TAPOS MAY GIFT AKONG SERIES OF UNFORTUNATE EVENTS BOOK 8! WOOOO. Lima na lahat ng books ko :D 8 nalang, kumpleto na yung series ko :>
Tapos sabe ni Mama,
Mama: Oi! Yung bulaklak, ilagay mo na sa vase, sayang yan.
Edi inayos ko na chever. Tapos nung binuksan ko yung boquet, SOBRANG GANDA NUNG NASA GITNA! Yung orange na flower na dalawa. Actually, tatlo dapat siya. Kaso yung isa, magbbloom palang daw. STARGAZER daw tawag dun. K, expert siya sa flowers eh. HAHA!
Ayon. Nilagay ko yung roses at stargazer sa magkaibang bote(wala kasi akming vase kaya bote lang gamit ko). HAHA!
Anddd, uhh? Ayun nga. Mahirap ayusin yung mga bulaklak, kasi nakakatusok yung mga tornssss nung roses at madami msyado. Kelangan ko isiksik isa isa yung mga stems ng roses.
Hmm. Tapos natuwa talaga ko dun sa orangeflower/stargazer. Ang ganda kase @_@
Tapos nagbasa ako ng Wimpykid 3, tapos natulog na din :)
---
Ang 18th birthday ko? SOBRANG SAYA :) Wala akong masasabe, kasi andyan lahat ng love ko. And binigay sa akin ni God ang araw na ito para maging masaya ako :) Super thanks at super contented ako sa buhay ko. Saya saya saya :) It was nice, great, good, awesome, SUPER GREAT :) Wala na akong ibang hinihiling pa. (NAGEEMO AKO, WALANG EEPAL)
Much better pa ito kesa sa isang grand debut party :> I swear.
Kahit wala sila Kuya at Papa nung day na yun dahil nasa Isabela at Australia sila, masayang masaya na ako kasi andyan padin sila para sa akin :”>
Para sa friends ko, super thanks! :)
Para sa nakasama ko, sobrang saya ko dahil andyan kayo :)
Para sa mga pinsan ko na pumunta sa handa ni Mama sa bahay, sana nakasama ko kayo :”> Hihi.
KBYE. Tapos na ang aking nobela =)) Bukas na ulit yung next blog ko.
Goodnight! :)
No comments:
Post a Comment