I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You. You alone are God of all. You alone are worthy Lord. In my heart I pray You'd let Your will be done. And 'til I see You face to face and grace amazing takes me home, I'll trust in You. --- 'Til I see You | Hillsong

Friday, April 16, 2010

Hey

Wala akong mablog ngayon. I'm bored.

Hmm. Wassup Ketsuuup? :D

I uhm, slept until 2 in the afternoon. Ate lunch with my sister. Watch CSI: NY, House and CSI: LV. Hmm, what else? 

Went to fetch Tita Tessie and Tita Luz to visit our Lola in the cemetery. Tapos(biglang nagtagalog eh =)) Ang hirap ng english kase! Nakakabobo) kinakausap ni Tita si Lola, parang normal lang kapag nasa bahay nila kami,

Tita Tessie: Hi Mami :) *with her sosyal accent chever*

HAHAHA!

Then, naglibot libot kami habang si Tita Tessie, nagdadaldal tungkol sa pinsan namin at sa asawa niya. Haha! 

Kasi duh, lagi nalang problema yung magasawang yun. Wala ng ibang ginawa kundi mag-away. Tas biglang hihingi ng tulong para magkabalikan. Hoy, di ganon kadali yang problema niyo! Ayusin niyo mag-isa yan. Nandadamay pa kasi potek yan -_-"

Kasi naman, nagaaway sila dahil sa "profit" nila sa business nila. Tas biglang nagbasag na daw ng dalawang salamin yung guy. WTF. Sapakin ko yun eh, may sira ata sa utak. Okay siya makisama, pero bilang asawa, NVM =))

Anw, ayun nga. Magulo talaga silang magasawa. Nagkakasakitan sila palagi. Tas bigla akong tinanong,

Tita: Paano ikaw ha? Kapag ganyan asawa mo?
Sande: Sus! Bahala siya sa buhay niya! Sapakin ko siya eh, babarilin ko yon!
Tita: HAHAHA! Eh pano kung mahal na mahal mo? Tas ayaw mo iwan?
Sande: Iiwan ko padin! Swerte niya ah!
Tita: Di mo nga kaya iwan eh!
Sande: Edi shempre, di ko iiwan! Wala ka naman ng choice na binigay sa akin kase! Sabe mo di ko kaya iwan, edi malamang di ko iiwan =)) HAHAHAHA
Oleng: OO NGA! 
Sande: Kung ano yung tanong, yun din dapat yung sagot =))
Tita: Ganon talaga hahahaha

Odiba. Ang labo niya? =)) Kasi naiinis nadin siya sa problema nung magasawa. Kasi siya lagi yung tinatakbuhan kahit wala naman siyang pake sa buhay nila. HAHAHAH! 

Tapos kumain kami sa bahay nila Lola. Tas bigla napagkwentuhan naman namin yung isa pa namin na pinsan. Kasi may weird attitude siya :| May pagkaselfish siya na SOBRANG ISIP BATA, tas sabe ni Tita, INGGITERA DAW :| 

Eh kasi naman. Napakatanda na niya, tapos nagiinarte pa siya sa sobrang liit na bagay! Di kasi siya nakasama sa Duty Free DAW. Tapos parang, kelangan daw niya bumili. Tas ayaw siya samahan kasi close na tsaka DUH. Para lang dun, mageemo kana! Saksakan oh!

Tapos ayun, umiiyak siya simula sa pinanggalingan nila hangang pauwi :| Tas nagiinarte padin siya hangang pauwi sila ng Manila, hangang pauwi ng Isabela. KDIE. Napakababaw? Sorry na, kasi napakaselfish. 

Sabe pa niya sa Tita namin,

Pinsan: Kapag ako inutusan nyang si Tita, di ako susunod ah! Kala mo kung sino kasi!

Eh duh :| Di ba niya naisip na, SINO DIN BA SIYA PARA SABIHIN YAN SA TITA NAMIN. NapakaERR. Kala mo kung sino :|

HAHAHA. Anww, galit lang ako sa sinabe niya. Kasi kahit ganon, TITA niya padin yon :| Kelangan niya rumespeto :|

Ayun nga =)) HAHAHAHA! Tapos umuwi din kami after. Pumunta muna kami sa grocery para bumili ng mga gamit gamit at pagkain at pagkain.

Hmm, pinakain ko si Kevin. And guess whaaaat! Tumataba siyaaa :"> At super mas cute na siya. Hihi. Wala lang. Alagang alaga siya dito sa bahay eh =)) SUPER BUH!

Tapooos hmm, nanuod kami ng kapatid ko sa MusicRoom ng PBB 24-hrs =)))))) KBYE. Tas wala akong ginawa kundi laitin ng laitin si Tricia :)) SORRY NA! 

Hmm, nanuod kame ng Agua Bendita, CinemaOne, tas yung susunod sa Agua(yung sina KimChui at KrisAquino).

Tapos pumasok na ako sa kwarto at nanuod ako ng I Miss You like Crazy. Ayos lang siya. Wala lang. Namiss ko sila Bea at JohnLloyd. Kasi duh, parang nagfafade na kasi, pero yung love team nila, ganon na ganon padin :"> Nakakaiyak yung last part :) Pero wala lang, ang cute nila. Sana sila nalang forever. HAHA! =))

Tapos nagblog ako. Nagplurk. At matutulog na. Paalam :) Goodnight people. Godbless :*

No comments:

Post a Comment