I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You. You alone are God of all. You alone are worthy Lord. In my heart I pray You'd let Your will be done. And 'til I see You face to face and grace amazing takes me home, I'll trust in You. --- 'Til I see You | Hillsong

Sunday, October 25, 2009

Busog

Ang hirap pala kapag sobrang busog ka noh? Wala lang. Haha. Feeling ko sasabog na ako sa sobrang kabusugan.

Kasi naman. Basta nandito ka sa Isabela, di talaga maiiwasan ang pagkain --- MASASARAP NA PAGKAIN. Huhu. Eh lalo na sa bahay ng Lola ko, masarap magluto yung cook nila. So ako, si Miss Kain, lamon ng lamon. Walang tigil. Lol.

Ganito kasi, lumabas ako nun para makita friends ko nung HS. Eh miss na miss ko na sila -- Maymay at Dyane. So nagkita kita kami. Eh gusto ako, NANAMAN. So nag-aya ako kumain. Sabe ko dun sa may Jambalaya malapit kina Dyane. Edi naglakad kami papunta dun. Eh kasi gusto ko ng chocolate cake talaga eh. Wahaha. Sorry na :))

Nung nagpunta kami dun, hindi chocolate cake kinain ko. Pero much better. Jambalaya Salad tsaka Pansit Guisado. Amps, good for 2 ata yung inorder ko eh. Wahaha. I mean, good for 2 yung salad tapos good for 2 din yung pansit.

Edi naubos ko yung pansit. Then nakain ko almost three-fourths ng salad. Busog na busog ako swear. Pero kering keri pa.

Then nung uuwi na, dumeretso ako sa Pio's -- bahay nila Lola. Eh magdidinner na pala sila dun. So kumain nanaman ako. EH MALAY KO BA MASARAP YUNG PAGKAIN :|:((

Kumain ako ng kumain. Naka-2rounds pa ako. Tapos nung tatayo na ako, pinilit pa nila ako pakainin ng Papaya. Wtf. As in di ko na kaya talaga swear. Inubos ko yung papaya tapos Coke.

Pagkatayo ko, di ako makahinga swear. As in hinding hindi. Di din ako makagalaw ng maayos. Di ako makalakad. Masama din pakiramdam ko. Pakiramdam ko sasabog na tyan ko nun. Wth. Di naman ako natatae nun ha? =))=))=)) Srrryyy na.

Tapos uuwi na kami, di padin talaga ako makahinga. Tapos feeling ko yung mga kinain ko, naipit sa bandang paghingaan ko. Kaya siguro di ako makahinga ng maayos? HAHA!

Nagtagal siya ng 2hours siguro hangang sa nakahinga ako ng maayos at nagutom ako ulit. At kumain ulit.

HAHAHAHAHA! Yun lang. Pero di padin ako matitigil sa pagkain ng madami at sobra. Oh noes, GLUTTONY yun!! It's a mortal sin! :(( Sige, kakain ako ng tama lang para healthy at tumaba taba padin kahit papaano :D:D

No comments:

Post a Comment